NEWS UPDATES

Brgy. Kagawad at kasama nito; sugatan sa pamamaril sa Kabacan

(Kabacan, Cotabato/ October 28, 2014) ---Sugatan ang isang brgy. Kagawad at kasama nito makaraang pagbabarilin ng riding tandem sa Brgy. Aringay, Kabacan, Cotabato kagabi.

Sa report na nakarating sa USM Hospital kinilala ang mga sugatan na sina
Boby Gabaras, 37 at si Avelino Aguinaldo, 64-anyos, opisyal ng brgy at kapawa resident eng brgy. Pisan.


Sakay ang mga biktima sa isang sikad pauwi buhat sa bayan ng pagbaabrilin ng riding tandem sa bahagi ng tulay sa Aringay.

Nagtamo ng tama ng bala sa balikat at sa leeg si Gabaras at daplis lamang sa tenga si Kagawad Aguinaldo mula sa di pa matukoy na uri ng baril.

Isinugod ang biktima sa USM Hospital pero agad namang inilipat sa Provincial Hospital para mabigyan ng medical na atensiyon.

Blanko pa ang mga otoridad kung anu ang motibo sa nasabing krimen. Rhoderick BeƱez




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento