NEWS UPDATES

Bagong Fault Line sa Makilala, pinag-aaralan na ng PHIVOLCS

By: Mark Anthony Pispis

(Kidapawan City/ October 17, 2014) ---Ginagawan na umano ng pag aaral ng mga eksperto mula Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS sa Manila ang bagong nakitang Fault Line sa Makilala na patungong Sultan Kudarat.

Ayon kay Engineer Hermes Daquipa ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS Kidapawan, ginawan na umano ng unang paraan ng mga scientist at mga geologist na experto mula sa PHIVOLCS Manila upang malaman ang traces ng fault system na kahit hindi sila tumutungo sa lugar ay meroon umano silang ginagawang table mapping.


Ang mga instrumentong ginagamit umano sa sinabing table mapping ay ang mga satellite photos ang areal photos na kuha mula sa mismong lugar.

Pagkatapos umano ng prosesong ito ay ang Ocular Actual Investigation doon sa mga na trace ng mga fault system na ginawa sa table mapping.

Pagkatapos naman nito ay ilalagay na ang mga ito sa mga Actual Active Trences at saka Faults.


Nilinaw naman ng opisyal na hindi umano madali ang nasabing proseso. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento