NEWS UPDATES

Asset ng PNP Maguindanao, huli sa pagdadala ng armas

(Tulunan, Cotabato/ October 16, 2014) ---Kulungan ang bagsak ng sinasabing asset ng Paglas PNP sa lalawigan ng Maguindanao makaraang mahuli sa isinagawang highway check ng mga otoridad sa National Highway ng Bual, Tulunan, Cotabato alas 11:00 kahapon ng umaga.

Kinilala ni PSI Ronnie Cordero, hepe ng Tulunan PNP ang nahuli na si Kaliga Usman Kamsa, 21-anyos, may asawa at residente ng Paglas, Maguindanao.

Sa isinagawang pagsisiyasat, tinatahak ng suspek ang kahabaan ng National Highway ng parahin ngmga otoridad dahil sa paglabag nito sa batas trapiko ay nakitaan na may salukbit na armas.

Bigong maipakita ng suspek ang mga kaukulang dokumento kaya hinuli ang ito.

Paliwanag pa ng suspek na asset umano siya ng PNP Maguindanao kaya may dala-dala itong armas, ayon sa report ni Tulunan News Correspondent Joel Dublado.

Pero dahil nasa jurisdiction ito ng North Cotabato, kaya hinuli pa rin ang suspek na ngayon ay isinailalim sa masusing interogasyon.

Napag alamang ang dala nitong baril ay kalibre 45 na pistola na armscor ang model na may serial no.506265 na meroong isang magazine na meroong lamang 4 na bala.


Kaugnay nito, inihahanda naman ang kasong paglabag sa Republic Act 10591 o ang Illegal Possession of Firearms na isasampa sa suspek. Rhoderick BeƱez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento