NEWS UPDATES

4 na motorsiklo, huli sa isinagawang Oplan Sita sa Bayan ng Kabacan

(Kabacan, Cotabato/ October 9, 2014) ---Huli ang 4 na motorsiklo sa isinagawang Oplan Sita at Oplan Kapkap Bakal ng Kabacan PNP Traffic Divission Kahapon sa bayan ng Kabacan kahapon.

Ayon kay Police Superintendent Jordine Maribojo, Hepe ng Kabacan PNP na mismong nanguna sa isainagawang operasyon kahapon, ang mga motorsiklong ito ay mga walang Plate No. at Open Pipe ang tambutso.


Dagdag pa ni Maribojo, sinimulan nila ang opersyon sa National Highway sa parti ng Mercury Drug Store hanggang sa USM Avenue, at nag ikot din sila sa public market upang icheck sitwasyon ng treapiko.

Hinihintay naman ngayon ng Kabacan PNP ang mga updated na CR at OR ng mga motorsiklong nahuli bago ito irelease.


Nasa Kostudiya naman ngayon ng Kabacan MPS ang mga nasabing mga sasakyan. Mark Anthony Pispis

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento