NEWS UPDATES

Tindero, di nagpautang ng alak, sinaksak sa Pikit, Cotabato

(Pikit, North Cotabato/ September 24, 2014) ---Kamatayan ang sumalubong sa isang 52-anyos na tinder makaraang tumangging magpautang dahilan para saksakin hanggang sa pamatay sa mismong tindahan nito sa Brgy. Ladtingan, Pikit, Cotabato kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni PInsp. Mautin Pangandigan, hepe ng Pikit PNP ang biktima na Robert Buelis, 52-anyos residente ng nasabing lugar kungsaan pinagsasaksak ng suspek na nakilalang si Alvin Confordo.

Una dito, kumatok ang dalawang mga suspek na sina Alvin Confordo at Sherwin Gilatek kapwa nasa edad at residente ng Barangay Ladtingan bayan ng Pikit, Cotabato sa tindahan ng biktima pero tumanggi itong magpautang.

Makaraan ang ilang minuto, ay bumalik ang dalawang lalaki sa bahay ni Deles at walang kaabog-abog na pinagsasaksak ito ng suspek na si Confordo gamit ang isang screwdriver.

Patay noon din ang biktima, mabilis namang tumakas ang mga suspek matapos ang insidente. Rhoderick BeƱez


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento