NEWS UPDATES

Presyo ng Bigas sa Kabacan, tumaas ng P1/kilo

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ September 16, 2014) ---Matapos na umakyat ng P20 kada sako sa kanilang inaangkatan ay tumaas na rin ng P1/kilo ang presyo ng bigas ditto sa pamilihang bayan ng Kabacan nitong lingo lamang.

Ayon kay Mr. Reynant Maganaka, may ari ng isa sa mga nagtitinda ng bigas sa Kabacan Public Market. Nagtaas nga sila ng presyo nitong lingo lamang.


Kung ang dating presyo ng per sako ng bigas na P1,780/sako, ngayon ay P1,800/sako na. ang dati ring presyo na P1,800/sako ngayon ay P1,820/sako na.

Ang dating presyo ng Ordinary rice na P38/kilo ngayon ay P39/kilo, ang masipag na dati P42/kilo ngayon ay P43/kilo na, ang matatag na dati P37/kilo, ngayon ay P38/ kilo na, ang tonner na dati na P42/kilo ngayon ay P43/kilo na, ganun na rin sa ibat-ibang Vareity ng Bigas, tumaas rin ng P1.


Samantala nanatili naman sa dati nitong presyo ang iba pang mga bilihin sa Kabacan Public Market.  

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento