NEWS UPDATES

Pagkawala ng isang dalaga sa Kidapawan City ikinabahala ng ina, kapatid

(Kidapawan City/ September 15, 2014) ---Tatlong araw nang nawawala sa Kidapawan City ang 16-taong gulang na dalaga na si Gladys Belmonte, second year college na kumukuha ng Bachelor of Science in Education sa isang pribadong kolehiyo sa lungsod.

Kwento ng ina’ng si Germelyn, huling nakita nila ang anak bandang alas-10:30 ng umaga noong a-10 ng Setyembre.

Ang paalam raw nito ay papasok sa eskwelahan.  

Pero ‘di na ito nakita, simula nang araw na ‘yun.

Duda ang ina na dinukot ng ‘di kilalang lalaki ang anak.

Noon pa raw ay sinasabi na ng anak sa kanya na may nagbabanta sa buhay nito.  

Gayunman, di naman ito nagbanggit ng pangalan ng taong papatay sa kanya.

Wala’ng maisip na dahilan si Aling Germelyn para dukutin ang anak.

Mabuti’ng anak raw si Gladys.

Ito rin ang paniwala ng nakatatandang kapatid niya na si Gerry Mae.

Hindi naman daw napagalitan ng mga magulang nila ang kapatid kaya wala’ng dahilan para ito maglayas.

Idinulog na ng mag-ina ang nawawalang si Gladys sa himpilan ng pulisya para mahanap sa lalo’ng madaling panahon. DXVL News



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento