NEWS UPDATES

Mga pamilyang naapektuhan ng pagbabaha sa bayan ng Kabacan, madadagdagan pa

(Kabacan, North Cotabato/ September 1, 2014) ---Abot sa sampung mga barangay sa bayan ng Kabacan ang nalubog sa tubig baha nitong nakaraang araw matapos ang sunod-sunod na pagbuhos ng ulan sa bayan at mga karatig na lugar.

Ito ang kinumpirma ng tanggapan ng Municipal Social Welfare and Development Office sa panayam ng DXVL News kahapon.


Kabilang sa mga naapektuhan ng pagbabaha ay ang barangay ng Kayaga, Magatos, Kilagasan, Cuyapon, Lower Paatan, Nangaan, Pedtad, Salapungan at Poblacion.

Ayon kay Kabacan Quick Response Team Latip Akmad na nakapagtala sila ng humugit kumulang sa dalawang libung pamilya ang naapektuhan habang patuloy naman ang ginagawang beripikasyon ng Municipal Agriculture Office ng Kabacan sa mga naiwang pinsala sa pananim kagaya ng palay, mais at iba pa.

Kaugnay nito nakapamigay naman ng abot sa 70 na family packs ang LGU Kabacan sa mga naapektuhan ng armed conflict sa brgy. Pedtad.

Samantala, sinabi naman ni MDRRMC Head David Don Saure na hanggang nitong Sabado ay hindi pa nakabalik sa kanilang mga tirahan ang abot sa anim na pung mga pamilya na nagsilikas dahil sa takot na madamay sa girian sa lugar.

Lumikas ang naturang bilang ng pamilya matapos na mamataan sa kanilang lugar ang ilang armadong grupo.

Sinabi ni Saure na ang naturang grupo ay may kinalaman sa anggulong rido hinggil sa nangyaring pagbaril sa isang magsasaka sa USM compound noong Agosto a-12 partikular sa harap ng USM Hospital.

Kinilala ang biktima na si Haron Adil Kasan kungsaan nahuli naman ng Kabacan PNP ang tatlo katao na responsable sa naturang pamamaril. Rhoderick BeƱez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento