NEWS UPDATES

Mga miyembro ng NPA, sumalakay sa Arakan, Cotabato; brgy. hall tinadtad ng bala

By: Mark Anthony Pispis

(Arakan, Cotabato/ September 2, 2014) ---Nag iwan ng pinsala sa Barangay Hall at natamaan pa ng mga stray bullets ang isang kalabaw ng paulan ng bala ng mga miyembro ng NPA ang elemento ng kasundaluhan sa Barangay Caridad, Arakan North Cotabato alas 9:30 ng gabi kamakalawa.

Ayon sa report, nagsasagawa umano ng Peace Development Outreach Program ang mga elemento ng sundalo sa ilalim ng 57th IB, ng paulanan sila ng bala ng Rebeldeng grupo.
Natamaan ang ilang parti ng Barangay Hall ng nasabing Barangay pati ang kalabaw na nakatali malapit ditto.

Dagdag pa ni Police senior Inspector Rolly Oranza Hepe ng Arakan PNP sa panayam ng DXVL kahapon sa Periodiko Express ay nagtungo ang Kapulisan sa pinangyarihan ng krimen kahapon ng umaga upang magimbestiga sa lugar at narecover ang mga empty shells.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento