NEWS UPDATES

Mag-ina, bumili ng pagkain, pinabulagta!

(Cotabato City/ September 3, 2014) ---Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang mag-ina makaraang tambangan ng mga armadong kalalakihan sa hangganan ng Bagua 1 at Bagua 2, Cotabato City alas 8:50 kaninang umaga.

Kinilala ang mga nasawi na sina Saimona Abdulla Dimatingkal, 42 at anak nitong si Saada Dimatingkal, 4 years old, residente ng brgy. Timako, ng lungsod.

Ayon sa salaysay ni Jainal Dimatingkal asawa ng biktima, sakay sila ng kanilang motorized boat pauwi sana sa kanila dala ang kanilang mga biniling mga pagkain at tubig ngunit pagsapit sa hangganan ng Bagua uno at Bagua dos tinambangan sila ng  mahigit sampung mga armadong lalaki at pinagbabaril gamit ang M16 at pinasabugan pa ng dalawang M79.

Nakatalon pa si Jainal sa bangka ngunit hindi na nya nagawang isalba ang kanyang mag ina dahil sa walang tigil na pagpapaputok ng mga suspek.

Nakilala ni Jainal ang suspek na ngayon ay pinaghahanap na ng mga otoridad.

Iniimbestigahan na rin ang motibo sa nasabing insidente at handa namang magsampa ng kaso si Jainal laban sa mga suspek. Rhoderick BeƱez


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento