NEWS UPDATES

Mabagal na paggulong ng mga kaso, inamin ng isang Huwes

(Kabacan, Cotabato/ September 25, 2014) ---Aminado si Hon. Judge Laureano Alzate, presiding Judge ng Regional Trial Court RTC Branch 22 ng Kabacan na “Justice Delay, Justice Deny”.

Pero marami umano itong dahilan kung bakit minsan ay mabagal ang pag-usad ng kaso.

Ilan sa mga rason dito ay nasa seminar ang hukom, bagama’t hindi naman madalas ito, pangalawa ay ang kawalan ng piskal, defense lawyer o di kaya walang testigo kaya napapaliban ang hearing.

Ginawa ng huwes ang pahayag sa panayam ng DXVL News kahapon kaugnay sa isinagawang Enhanced Justice on Wheels sa probinsiya ng Cotabato na pinangunahan ng Supreme Court.

Dagdag pa ng Hukom na sa kanyang isinagawang promulgation kahapon sa EJOW ay nilitis nito ang 23 akusado na nahaharap sa iba’t-ibang kaso kagaya ng murder, illegal possession of firearm, sugal, drug trafficking at iba pa.

Sa 23 akusado, apat ang naabswelto, 12 ang konbiktado, 5 ang probationary dismissed at 1 ang napaalis.


Ipinaliwanag din nito ang kaugnay sa chain of custody rin sa kadalasang pagkakamali ng mga arresting officer sa pag preserba ng kridibilidad ng ebedensiya lalo na sa illegal drugs. Rhoderick BeƱez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento