NEWS UPDATES

Kinalasan ng Live-In Partner; 30-anyos na lalaki, nag patiwakal sa bayan ng Antipas

(Antipas, Cotabato/ September 4, 2014) --- Kusang nagpasalubong kay kamatayan ang isang 30-anyos na lalaki makaraang magbigti matapos na kalasan ng kanyang live-in partner sa inuukupahang bahay nito sa Brgy. Poblacion, Antipas, Cotabato alas 4:20 kahapon ng hapon.

Kinilala ni PSI Felix Fornan, hepe ng Antipas PNP ang biktima na si Noel Salamanca, 30-anyos residente ng nabanggit na lugar.

Batay sa inisyal na pagsisiyasat nakita pa ang biktima na lango sa alak nitong Martes ng gabi matapos na iwanan umano ng kanyang live-in partnet na kinilala sa pangalang Jen-jen na residente ng Malaybalay, Bukidnon.

Laking gulat na lamang ng kanyang kapatid na si William ng makitang nakalambitin na ang biktima sa loob ng kanyang silid alas 3:30 kahapon ng hapon ng pumasok na ito sa kwarto ng biktima.

Ginamit ni Noel ang nylon na nakapulopot sa kanyang leeg na ginamit nito sa pagpapatiwakal.


Posibleng personal na problema sa buhay at pag-ibig kaya naisipang kitlin ng biktima ang buhay nito sa pamamagitan ng pag-suicide. Rhoderick BeƱez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento