NEWS UPDATES

DepEd Cotabato, tiniyak na walang mga paaralan na malubhang naapektuhan ng nakaraang lindol

(Makilala, Cotabato/ September 23, 2014) ---Tiniyak ngayon ng Department of Education o DepEd cotabato Division na walang mga paaralan na malubhang naapektuhan ng nakaraang paglindol sa probinsiya.

Ito ang sinabi sa DXVL News ni Cotabato School’s Division Supt. Omar Obas.

Aniya, maari namang pagdausan ng klase ang Luayon National High School sa brgy. Luayon, Makilala na siya’ng tinamaan ng matinding pagyanig nitong nakaraang weekend.


Pero, mga minor damages lamang ang tumaa ditto, ayon pa kay Obas.

Sinabi naman ng opisyal na may inihahanda na ring pondo ang nasabing tanggapan mula sa kanilang MOOE para sa pagkumpuni sa ilang mga nasirang imprastraktura. Rhoderick BeƱez


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento