NEWS UPDATES

Bayan ng Kabacan, sasali sa tangkang pagsungkit ng Guinness World Record na MOST NUMBER OF TREES PLANTED in an HOUR

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ September 11, 2014) ---Gagawin ang Greening Activity ng Mindanao Development Authority (MinDA) at ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na pinamagatang “TreeVolution: Greening MindaNOW”  na naglalayong masungkit ang Guinness World Record para sa MOST NUMBER OF TREES PLANTED sa loob lamang ng isang oras ngayong darating na September 26, 2014 kung saan kasali ang bayan ng Kabacan.

Layon ng aktibidad na makapagtanim ng 4,636,000 trees sa magkakaibang lokasyon sa Mindanao na may kabuoang sukat na 9,200 hectars.


Ang aktibidad ay denisenyo para maka engganyo ng Massive Participation ng mga stakeholders at ibat-ibang sector para makamit ang Mindanao target for National Greening Program (NGP) na naglalayong ipabatid sa mga taga Mindanao ang kahalagahan ng pangangalaga ng kalikasan at likas na yaman.

Ang bayan ng Kabacan ay naglalayong makakuha ng mahigit kumulang  1,200 volunteers para sa nasabing aktibidad.

Kunektado ka sa mga balita. Mark Anthony Pispis



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento