NEWS UPDATES

Barangay Malingao sa Midsayap, N. Cotabato nagbalik- tanaw sa kabayanihang ipinakita ng kanilang komunidad

Roderick Rivera Bautista

(Midsayap, Cotabato/ September 24, 2014) ---Nagbalik- tanaw ang mga mamamayan ng Barangay Malingao, Midsayap, North Cotabato isang taon matapos ang naganap na kaguluhan sa kanilang lugar.

Kung matatandaan ay naipit sa kaguluhan ang mga sibilyan at mga guro sa bakbakan ng military at MILF break- away group na BIFF kung saan ilang buhay ang nalagas at nagdulot ng takot at pangamba.

Sa ginawang pagpupulong ngayong araw sa Malingao Elementary School ay sinariwa ng mga guro, barangay officials at mga residente ang kabayanihang ipinakita ng bawat isa.

Kasama ang Department of Education at tanggapan ni North Cotabato 1st District Rep. Jesus Sacdalan ay tinalakay din ng mga dumalo sa pagpupulong ang kasalukuyang kalagayan ng kanilang barangay.

Ayon kay dating Malingao Chairperson Jose Esmael Tamalla, masasabi namang mapayapa ang kanilang barangay kahit pa man may mga ulat ng kaguluhan sa pagitan ng military at BIFF noong nakaraang mga linggo.

Pinasalamatan naman ng mga opisyal ng baranagay Malingao at mag-aaral ng nabanggit na paaralan ang mga gurong bumalik upang magturo sa mga kabataan.


Nagagalak naman ang DepEd sa patuloy na paglilingkod ng mga guro sa Malingao Elementary School sa kabila ng nangyari noong nakalipas na taon.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento