NEWS UPDATES

32-anyos na lalaki, inaresto dahil sa kasong estafa sa Carmen, Cotabato

(Carmen, Cotabato/ September 29, 2014) ---Arestado ang isang 32-anyos na negosyante dahil sa kinakaharap na kasong estafa sa mismong bahay nito sa Purok 3, Poblacion, Carmen, Cotabato alas 8:00 kahapon ng umaga.

Sa report ng Carmen PNP kinilala ang nahuli na si Gerard Badong, residente ng nasabing lugar.

Ang warrant of arrest ay isinilbi kay Badong ng mga pulis na inisyu ni 3rd Municipal Circuit court Kabacan-Carmen ni Hon. Judge Charlito Untal de-Guzman.

Ang suspek ay nahaharap sa kasong Batan Pambansa Blg. 22 o estafa, ayon sa Carmen PNP.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento