NEWS UPDATES

2 Suspected Robbers, Huli sa Kabacan Cotabato

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ September 4, 2014) ---Tiklo ang dalawang mister matapos na maaresto sa Barangay Kayaga Kabacan, Cotabato alas 10:00 ng umaga kahapon.

Kinilala ng Kabacan PNP ang mga suspek na sina Romnick Fernandez, 22 taong gulang, may asawa at residente ng Alamada, North Cotabato at isang Bimboy Relos, 19 taong gulang, binata at residente ng Don Carlos, Bukidnon.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, ang dalawa ay pinaghahanap din umano ng Tacurong PNP matapos na saksakin ng mga ito sa ulo ang isang Johnson Monteclaro at kinuha din ng mga ito ang hindi pa matukoy na halaga ng salapi ng biktima sa San Pablo Tacurong City alas 11:30 kamakalawa.

Nakatanggap umano ng report ang Tacurong PNP mula sa pamilya ng biktima na ang mga suspek ay huling namataan ditto sa bayan ng Kabacan.


Agad na nakipagpag ugnayan ang Tacurong PNP sa Kabacan PNP para sa agarang pagkakadakip ng mga suspek. DXVL News

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento