NEWS UPDATES

USM, may pasok sa Agosto 18

(USM, Kabacan, North Cotabato/ August 14, 2014) ---Hindi magpatupad ng Holiday ang University of Southern Mindanao sa Agosto a-18, araw ng Kabacan.

Ito ang ginawang paglilinaw ni USM Pres. Dr. Francisco Gil Garcia sa panayam sa kanya ng DXVL News.
Ito batay na rin sa memorandum na inilabas ni Director for Instruction Dr. Abubakar Murray na aprubado sa ilalim ng superbisyon ng tanggapan ng Vice President for Academic Affairs.

Sinabi ng Pangulo na tuloy ang naka-sechedule na examinations ng mga estudyante at may pasok ang lahat ng kawani ng USM.

Kanya na ring ipinaabot ito kay Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr., dahil sa maraming aktibidad ang masasagasaan kung magpaparupad pa ng holiday ang USM.


Pero sa kabila nito, todo naman ang suporta ng Pamantasan ng Katimugang Mindanao sa kapiestahan ng Kabacan kungsaan kasali naman ang Boys Scout and Girls Scout of the Philippines ng USM at USM Band sa gagawing anniversary parade ng Kabacan sa Agosto a-18. Rhoderick BeƱez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento