NEWS UPDATES

Technical working group na tututok sa mga hinaing ng IP’s sa North Cotabato, pinabubuo na!

(Kabacan, North Cotabato/ August 6, 2014) ---Planung bubuin bago matapos ang buwan ng Agosto ang Technical Working Group upang panguna sa pagtutok sa mga isyu at hinaing ng mga Indigenous People sa North Cotabato.

Ayon kay North Cotabato 2nd DIstrict Representative at House Committee on IPs chairperson Nancy Catamco, may mga inilatag ng miyembro ng TWG na bubuo sa nasabing pagsisisyasat.


Ginawang ng solon ang pahayag sa katatapos na State of the Nation Address ni Pangulong Noynoy Aquino at ang kanilang isinasagawang budget deliberation.

Kabilang sa mga bibigyang pansin na hinaing ngmga IPs ay ang usapin sa Energy Development Corporation at IP Ancestral Domain na 10 kilometer radius mula sa Mt. Apo, ang legitimacy ng grupong MADADMA at ang transparency sa hanay ng kanilang Council of Elders.

Inaasahan na pangungunahan mismo ni Rep. Catamco ang bubuuing TWG kasama ang mga tribal leaders, mga kinatawan ng National Commission on Indigenous People, Local Government Unit, mga kinatawan rin mula sa Civil Society Groups at EDC. Rhoderick Beñez


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento