NEWS UPDATES

Pagbuo ng Implementing Rules and Regulations ng Organic Agriculture Code ng Cotabato Province, Isinagawa

(Kabacan, North Cotabato/ August 8, 2014) ---Isasapinal na ang binubuong Organic Agriculture Code ng lalawigan ng Cotabato makaraan ang isinagawang workshop hinggil dito sa General Santos City kamakailan.

Dinaluhan ito ng mga kasapi ng Technical Working Group ng Provincial Organic Agriculture Board na nagmula pa sa iba’t-ibang sector at mga institusyon na kinabibilangan ng DepEd, DTI, NIA, DILG, DAR, small farmer group, NGO, private entrepreneur at ang SP Chairman ng Committee on Tourism and Education.

Sa report ni OPAG Agricultural technologist Ruel Villanueva kasama rin dito ang mga kinatawan ng Office of the Provincial Agriculturist ng Cotabato na pinangungunahan ni PA Eliseo Mangliwan.

Umabot sa 40 katao ang participants para sa nasabing plenary workshop sa crafting at finalization ng IRR ng Organic Agriculture Code ng lalawigan.

Ang pagbuo ng IRR para sa Organic Agriculture Code ng Cotabato ay mahalagang hakbang para sa pagsusulong ng organikong pagsasaka sa lalawigan.

Kaugnay naman ng Industrial Crops Development Program ng lalawigan, nagsagawa kamakailan ang OPA ng reorganizational meeting para sa mga oil palm growers ng Tulunan.

Layon nitong palakasin ang organisasyon ng mga oil palm growers upang mabahaginan sila ng dagdag at napapanahong kaalaman sa masaganang produksiyon ng oil palm. 

Ito ay dinaluhan ng 64 participants na matamang nakinig at nakinabang sa mga talakayan.


Kahalintulad ring aktibidad ang isinagawa para sa mga oil palm growers ng New Igbaras, Pigcawayan. 

Nagbigay kamakailan ng technical assistance ang Provincial Oil Palm Focal person na si Jorge Hernandez patungkol sa cultural management practices ng oil palm. Rhoderick BeƱez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento