NEWS UPDATES

Nakaw na motorsiklo, narekober ng mga kapulisan sa Kabacan, Cotabato

(Kabacan, North Cotabato/ August 11, 2014) ---Isang nakaw na motorsiklo ang narekober ng mga otoridad sa brgy. Kayaga, Kabacan, Cotabato alas 10:40 ng umaga nitong Sabado.

sa report ng Kabacan PNP narekober nila ang nasabing sasakyan sa tulong ng mga elemento ng kapulisan kasama ang pinagsanib na pwersa na elemento ng RPSB 12, mga tropa ng sundalo kasama ang brgy. Kapitan ng Kayaga.

Napag-alaman na tinangay ang nasabing sasakyan na isang RUSI 150 na may plakang JU 1116 habang nakaparada sa compound ng bahay ni Kandidatu alimuden sa barangay Lanoon, Carmen, Cotabato ala 1:00 ng madaling araw nitong Biyernes.

Dahil sa agad nakabigay ng alarma ang mga rumesponding kapulisan, mabilis na natukoy ang kinaroroonan ng naturang carnap vehicle.

Hindi naman naabutan ang suspek na responsable sa naturang pagnanakaw.

Ang nasabing sasakyan ay nakarehistro sa pangalan ni Erlinda Taping.

Agad na dinala ang nasabing motorsiklo sa himpilan ng pulisya para sa gagawing pag-turn-over sa may ari nito. Rhoderick BeƱez


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento