NEWS UPDATES

Mga Walang Picture at Biometrics sa Comelec, matatanggal ang pangalan sa masterlist

(Kabacan, North Cotabato/ August 29, 2014) ---Posibleng matatanggal sa master list ang pangalan ng mga botanteng walang picture at biometrics na kuha mismo mula sa tanggapan ng Commission on Elections o Comelec.

Ito ang sinabi sa DXVL News ni Kabacan Comelec Officer Gideon Falcis.

Aniya, sisimulan nilang tanggalin sa listahan ang walang mga picture at maraming discrepancies sa susunod na taon.

Ibig sabihin nito, hindi na makaboto ang mga botanteng matatangal sa masterlist ng comelec sa 2016 National at local elections.

Samantala, nagpapatuloy naman ngayon ang ginagawang registration, validation at Activation sa lahat ng comelc offices.

Dito sa bayan ng Kabacan, umaabot na ngayon sa mahigit sa isang libu ang mga bagong registrants.

Sa kabila nito, tila nilalangaw araw-araw ang ginagawang registration ng comelec.

Kaya panawagan ni Falcis sa publiko na tunguhin na ng mas maaga ang Comelec Kabacan para sa inyung registration.

Wala namang kinakalilangan dokumentong dalhin para sa activation at validation.

Sa mga mag parehistro kailangang dalhin ang mga sumusunod na valid Id batay sa Comelec resolution No. 9853: Employees Identification card, Postal ID, PWD Discount ID, Student ID/ Library Card, Senior Citizen ID, Driver’s License, NBI clearance, Passport, IBP ID, SSS/GSIS Id, PRC Issued License, NCIP certificate at birth certificate para sa mga single habang Marriage certificate naman para sa may mga asawa na. Rhoderick BeƱez


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento