NEWS UPDATES

Mga kawatan muli na namang naglipana sa Kidapawan City

(Kidapawan City/ August 27, 2014) ---Nilooban ng mga di pa nakilalang mga kawatan ang isang Internet Cafe sa Dayaw street, Kidapawan city kamakalawa ng gabi.

Kabilang sa mga gamit na natangay ang isang System unit, Computer monitor at Digital camera kungsaan abot sa P6,000 ang nalimas ngmga ito.

Ayon sa may-ari ng Internet cafe na si Arthur Egcalinos, 40 anyos, pasado alas 10:00 ng umaga nitong Lunes nang matuklasan nilang ninakawan ang establisimyento.

Sa ulat ng pulisya, sinira ng hindi pa nakikilalang mga magnanakaw ang 2x2 window jam ng stock room at sinira din ang door knob sa likod nito para makapasok sa internet cafe.

Sa ngayon, inaalam pa ng Kidapawan city PNP kung sino ang nasa likod ng pagnanakaw. Rhoderick BeƱez


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento