NEWS UPDATES

LGU Kabacan at Matalam, muling nag-usap hinggil sa land Conflict sa political boundary

(Kaabcan, North Cotabato/ August 7, 2014) ---Muling nagharap sa isang pagpupulong ang ilang mga lokal na opisyal ng Kabacan at Matalam upang pag-usapan ang land conflict sa Sitio Maligaya, Brgy. Lower Malamote, Kabacan, Cotabato kahapon.

Ayon kay Executive Assistant to the Mayor Yvonne Saliling na kabilang sa mga napag-usapan ay ang paglalagay ng Joint Ceasefire Monitoring Post na mag-momonitor sa erya.


Dumalo din sa nasabing pag-uusap si Vice Mayor Myra Dulay Bade bilang representante ni Mayor Herlo Guzman Jr. sa nasabing pagpupulong.

Pero ang naturang panukala ay nakabinbin pa sa ngayon sa Sangguniang Panlalawigan.

Kaugnay nito, may mga nailatag namang short term solution ang naturang pag-uusap kahapon upang maipagpatuloy ng mga magsasaka ang kanilang pag-aani ng mga palay sa lugar.

Matatandaan na isang magsasaka ang namatay sa nanagyaring putukan nitong Agosto a-4 na kinilalang si Ronald Borgonios na residente ng bayan ng Mlang habang nagsasaka ang mga ito sa Sitio Maligaya.

Umaasa naman ang dalawang panig na agad na mabigyan ng solusyon at matutuldukan na ang sinasabing matagal ng away lupa sa nasabing lugar. Rhoderick BeƱez


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento