NEWS UPDATES

Lalaki, sugatan sa pamamaril sa Arakan, North Cotabato

(Arakan, North Cotabato/ August 27, 2014) ---Patuloy ngayong nagpapagaling sa isang ospital sa Kidapawan City ang isang lalaki makaraang pagbabarilin sa bahagi ng Sitio Napanlahan, Poblacion bayan ng Arakan, Cotabato alas 11:45 kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ni PSI Rolly Oranza, hepe ng Arakan PNP kinilala ang biktima na si Randy Bendol Rivera, 37-anyos, binata at residente ng Kasiyahan, Poblacion ng nasabing bayan.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, pauwi si Rivera lulan ng kanyang motorsiklo angkas ang pamangkin nitong nakilalang si Lorena Rivera ng buntutan ng riding tandem at pagdating sa nabanggit na lugar ay pinagbabaril ang biktima gamit ang di pa matukoy na uri ng armas.

Nagtamo ng tama ng bala ang biktima sa kanang bahagi ng braso nito na tumagos sa kanyang katawan.

Mabilis namang isinugod ang biktima sa KDI sa Kidapawan City para malapatan ng medikal na atensiyon.

Patuloy pa ngayon ang imbestigasyon ng Arakan PNP para alamin kung anu ang motibo sa nasabing pamamaril. Rhoderick BeƱez


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento