NEWS UPDATES

Kampanya kontra illegal na sugal mas pinaigting ng Matalam PNP

(Matalam, North Cotabato/ August 20, 2014) ---Mas pinaigting ngayon ng Matalam PNP ang kanilang kampanya kontra illegal na sugal sa bayan.

Ayon kay PCInsp. Elias Diosma Colonia, hepe ng Matalam PNP patuloy ang kanilang ginagawang operasyon para masawata kung di man tuluyang mahinto ang sugal sa bayan.

Katunayan, aniya, isang 29-anyos na residente ng Purok Boguinvilla, Matalam, Cotabato ang kanilang nahuli sa bahagi ng Poblacion ng Matalam alas bago mag alas 8:00 kagabi.

Nakuha mula sa posisyon ng suspek ang iba’t-ibang last two paraphernalias at cash na P370.00.

Sinabi naman ni SP01 Froilan Gravidez ng Matalam PNP na magpapatuloy ang ginagawa nilang saturation drive sa mga lugar sa bayan ng Matalam kungsaan talamak ang illegal number games o mas kilala sa tawag na last two. Rhoderick BeƱez


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento