NEWS UPDATES

Inmate, patay matapos mag suicide sa loob ng palikuran ng BJMP, Amas, Kidapawan City

(Amas, Kidapawan City/ August 20, 2014) ---Pinaniniwalaang matinding depression at problema sa buhay kaya kusang nagpasalubong kay kamatayan ang isang 37-anyos na preso sa loob ng palikuran ng Bureau of Jail Management Penology o BJMP sa Amas, Kidapawan City.

Sa ulat ni CPPO Spokesperson PSI Jojet Nicolas, nakilala ang biktima na si Crisanto Lupo, 37-anyos, binata at residente ng Madrid St., Kidapawan City at nahaharap sa kasong rape.

Nagpaalam umano ang biktima kay Leonard Villasor, nakatalagang guwardiya bandang alas 7:30 ng gabi noong Biyernes upang gumamit ng palikuran.

Agad namang bumalik sa kanyang jail guard post ang guwardiya matapos na mabuksan ang palikuran.

Bumuhos ang malakas na ulan hanggang sa huminto ito, pero di nito napansin na nakabalik ang biktima.

Kaya pinuntahan ng guwardiya ang lock up cell pero sarado pa rin ito kaya tiningnan na nito ang palikuran na pinasukan ni Lupon at doon na nakalambitin ang patay na katawan ng inmate.

Sa ngayon patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon at isailalim sa autopsiya ang  bangkay ng biktima upang alamin kung may foul play sa pagkamatay nito. Rhoderick BeƱez



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento