NEWS UPDATES

BPAT, dedo, 2 sugatan sa engkwentro ng rebeldeng grupo

(Midsayap, North Cotabato/ August 22, 2014) ---Kamatayan ang sumalubong sa isang miyembro ng Barangay Peacekeeping Action o BPAT habang sugatan ang dalawa pa nito’ng mga kasama nang makipagbakbakan sila sa isang armadong grupo sa Barangay Tugal sa bayan ng Midsayap, alas-3:25 ng hapon ng Huwebes.

Ayon sa report ng Midsayap PNP, nagka-enkwentro ang grupo ni Barangay Chairman Pulalon ng Barangay Tugal at grupo na pinamumunuan ng isang Kagi Tandoy na taga-Barangay Kapinpilan, bayan pa rin ng Midsayap.
Tumagal ng dalawampu’t limang minuto ang palitan ng putok na nagresulta sa kamatayan ng isang BPAT member at pagkakasugat ng dalawang iba pa – na pawang mga tauhan ni Barangay Chairman Pulalon.

Paniwala ng mga imbestigador na personal grudge sa pagitan nina Chairman Pulalon at ni Kagi Tandoy ang dahilan ng bakbakan, kahapon.

Si Kagi Tandoy at ilan sa kanyang mga tauhan ay mga miyembro umano ng isang rebeldeng grupo na nag-o-operate sa Midsayap. Rhoderick BeƱez


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento