NEWS UPDATES

Armadong Kawatan, patay sa pamamaril, 1 pang BPAT member, sugatan din

(Kabacan, North Cotabato/ August 25, 2014) ---Napaslang ang isa sa dalawang sinasabing notoryos na akyat bahay gang na armadong magnanakaw sa nangyaring pamamaril sa bahagi ng Bonifacio St., Poblacion, Kabacan, Cotabato Sabado ng gabi.

Ayon sa report ni Supt. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP pinasok ng dalawang armadong lalaki ang establisiemento ng isang Cristin Joy Cagud na naging dahilan ng pagkabulahaw ng mga umuukupa sa bahay.

Agad na tinungo ng mga nag papatrol na kapulisan ang pinangyarihan ng insidente, at sinita sa pamamagitan ng pagbaril.

Isa sa mga suspek na kinilalang si Tukan Dampi Saban, nasa tamang edad at residente ng Purok Makabinban, Brgy. Cuyapon ng bayang ito ang tinamaan na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Habang sugatan naman ang isa pang Barangay Peace Keeping Action team o BPAT member na si Mads Mogawan.

Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang isang unit ng kalibre .45 na pistol at ilang mga magazine at bala.

Agad namang isinugod ang sugatang BPAT sa pinakamalapit na bahay pagamutan.

Ayon kay Supt. Maribojo, agad na kinuha ng kanyang kamag-anak ang bangkay ng suspek matapos na isinailalim sa post mortem examination ni Dr. Sofronio Edu Jr., ang Municipal Health Officer ng Kabacan. Rhoderick BeƱez


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento