NEWS UPDATES

61-anyos na lolo na most wanted sa Davao del Norte, huli sa Carmen, North Cotabato

(Carmen, North Cotabato/ August 7, 2014) ---Arestado ng mga elemento ng Carmen PNP ang isang 61-anyos na lolo na sinasabing top ten list sa mga most wanted sa Davao del Norte.

Sa report ng Carmen PNP nahuli ang suspek na kinilalang si Enrique Hechanova Castor sa Sitio Dinurugan, Brgy. Kibudtungan, Carmen, Cotabato alas 2:30 ng madaling araw kanina.


Ang suspek ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na may case number CrC279-2014 at CrC280-1024 na inisyu ni Judge Dorothy Montejo-Gonzaga ng 11th Judicial Region, Branch IV, Panabo City.

Batay sa ulat ang suspek ay nahaharap sa kasong panggagahasa, ito ayon kay PO2 Mark John Penaso ng Carmen PNP.

Sa ngayon himas rehas na ang suspek sa Carmen PNP lock up cell. Rhoderick BeƱez



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento