NEWS UPDATES

1st HPG Funshoot, isasagawa ngayong araw

(Kabacan, North cotabato/ August 15, 2014) ---Gagawin ngayong araw ang 1st Herlo P. Guzman Fun Shoot sa PCC Shooting Range na nasa USM Compound, Kabacan, Cotabato.

Sa panayam kay MENRO Officer Jerry Laoagan bukas ang naturang aktibidad sa mga non-shooters kungsaan kanilang iniimbitahan ang lahat ng mga bgry. Opisyal kasama na dito ang mga tanod na sumali sa kauna-unahang fun shoot na ito.

Mag-uuwi naman ng tropeo ang sinumang tatanghaling panalo sa nasabing paligsahan at medalya.

Bagama’t nahuli ang nasabing aktibidad at di naisali sa mga naimprinta sa programa, agad naman itong inaprubahan ni Mayor Herlo Guzman Jr., at suportado nito ang nasabing aktibidad.


Sinabi ni Laoagan na nahahati sa dalawang kategorya ang nasabing paligsahan, ito ang classic at standard category. Rhoderick BeƱez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento