NEWS UPDATES

Vulcanizing laborer sa Kidapawan City, itinumba!

(Kidapawan city, North Cotabato/ July 22, 2014) ---Pinaniniwalaang onsehan sa droga kaya pinaslang hanggang sa mapatay ang isang vulcanizing shop laborer sa bahagi ng Quezon Boulevard, Kidapawan City alas 1:10 kahapon ng hapon.

Kinilala ng Kidapawan City PNP ang biktima na si Rowell Pacate Suico, 23-anyos at residente ng Matalam St., Kidapawan City.

Napag-alaman na habang nag-tatrabaho ang biktima sa nasabing shop ay bigla na lamang itong nilapitan ng di pa nakilalang suspek at walang pasabing pinagbabaril ang biktima gamit ang di pa matukoy na uri ng armas.

Mabilis namang tumakas ang suspek sa bahagi ng Makilala direksiyon matapos ang insidente.

Sa ngayon nagpapatuloy pa ang ginagawang hot pursuit operation ng mga otoridad sa nasabing pamamaril. Rhoderick BeƱez


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento