NEWS UPDATES

Trisikel drayber, tinaga sa Carmen, North Cotabato

(Carmen, North Cotabato/ July 18, 2014) ---Pinagtataga hanggang sa mapatay ang isang 32-anyos na lalaki sa bayan ng Carmen, North Cotabato.

Kinilala ng Carmen PNP ang biktima na si Nasrula Mandato, 32-anyos, isang trisikel drayber at residente ng Pagagawan, Maguindanao.

Naisugod pa sa Kabacan Medical Specialist ang biktima subalit di na ito umabot pa ng buhay.
Napag-alaman na ang biktima ay son in law ni Ginang Linda Mantawil ng Brgy. Pedtad, Kabacan, North Cotabato.

Sinasabing na pinagtataga umano ang suspek dahilan ng agaran nitong kamatayan kungsaan sa ulo napuruhan ang biktima.

Narekober ang katawan nito alas 3:00 kahapon ng hapon.

Sa ngayon patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng Carmen PNP para alamin ang dahilan ng insidente. Rhoderick BeƱez


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento