NEWS UPDATES

State of the University Address o SUA ni USM Pres. Garcia, ihahayag sa Agosto a-5

(USM, Kabacan, North Cotabato/ July 31, 2014) --- Nakatakdang gagawin ang State of the University Address ni University of Southern Mindanao USM Pres. Dr. Francisco Gil Garcia sa Agosto a-5 araw ng Martes sa susunod na linggo sa USM Ground ala 7:00 ng umaga.

Sa isang kalatas na ipinalabas sa Facebook ni Executive Assistant to the Pres. William dela Torre na pirmado ni Vice President for Academic Affairs Dr. Palasig Ampang na suspendido ang klase sa umaga para mabigyan ng pagkakataon ang mga estudyante, guro at lahat ng mga kawani ng USM na makadalo sa nasabing programa.

Dito ihahayag ng Pangulo ang mga nagawa nito at ang direksiyon ng Pamantasan sa kanyang pamumuno.

Mismong ang pamunuan ng HRMO ng USM at ang Local Student Government ang mangunguna sa paglilista ng attendance ng bawat kawani at estudyante ng USM. Rhoderick Beñez


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento