NEWS UPDATES

Nakitang malaking ahas, kinatatakutan nan g mga residente sa Maguindanao

(Ampatuan, Maguindanao/ July 9, 2014) ---Patuloy na pinaghahanap na ngayon ng Department of Environment and Natural Resources sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (DENR-ARMM) ang diumano higanteng ahas na nakita ng mga residente sa Barangay Kauran, Ampatuan, Maguindanao.

Nagpadala na ng mga tauhan ang ahensiya sa naturang barangay upang hanapin ang ahas na may habang 50 talampakan at sinlaki diumano ng puno ng niyog ang katawan.

Ayon sa isa sa mga nakakita na si Inday Conilas na lubos niyang ikinagulat matapos na makita ang naturang ahas habang tumatawid sa sapa sa Sitio Sinawang bago nagtago sa isang puno ng balete.
Ito umano ay may pinaghalong kulay na berde, itim at dilaw.

Napag-alaman na hindi lamang si Inday ang nakakita ng naturang ahas ngunit maraming iba pang mga magsasaka sa naturang lugar.

Inihayag ng mga opisyal ng barangay na iniimbestigahan na nila kasama ang DENR ang lahat na mga pahayag ni Conilas at inaalam kung anong uri ito ng ahas. Rhoderick BeƱez


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento