NEWS UPDATES

Mga PWD’s ng Kabacan makikiisa sa NDPR week na pangungunahan ng PSWDO

(Kabacan, North Cotabato/ July 15, 2014) ---Abot sa mahigit sa 25 mga Persons with disabilities mula dito sa bayan ng Kabacan ang maki-isa sa gagawing National Disability Prevention and Rehabilitation (NDPR) Week sa Amas, Kidapawan sa July 24.

Ayon kay Kabacan PWD’s Focal Person Rhoda Anne Laguardia na may iba’t-ibang mga programa at pakulong inihanda ang Provincial Social Welfare and Development Office para sa nasabing aktibidad.

Kabilang na dito ang iba’t-ibang sports games, mind games, Track and Field, Literary Contest, Singing, Draw and Tell at maraming iba pa.

Nabatid na ang National Disability Prevention and Rehabilitation Week ay ipinagdiriwang taun-taon sa Pilipinas tuwing Hulyo upang maitaguyod ang mga programa ng pamahalaan upang bigyang halaga sa lipunan ang mga may kapansanan, at maipaalam ang mga pamamaraan upang maiwasan ang pagkakaroon nito.


Nakasentro ang selebrasyon ngayong taon sa temang “Talino at Paninindigan ng Taong may kapansanan Pasaporte sa Kaunlaran”. Rhoderick Beñez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento