NEWS UPDATES

Mamamahayag sa North Cotabato hinaras ng isang kawani ng LGU Midsayap

(Midsayap, North Cotabato/ July 31, 2014) ---Kinondina ng PPalma Presscorps,Kapisanan ng mga brodkaster ng Pilipinas (KBP) at National Union of Journalists of the Philippines (NUJP)North Cotabato at Kidapawan City Chapter ang panghaharas ng isang kawani ng gobyerno sa isang Mamamahayag sa bayan ng Midsayap North Cotabato.

Sinabi ni Arnel Guerero na pumasok sa himpilan si Ever Dalida head ng ticketing Unit ng LGU Midsayap sa mga pampasaherong sasakyan ng pumapasok sa bayan.

Imbes na magtanong ay dinuro ang Mamamahayag at pinagalitan dahil mali raw ang balita nito hinggil sa weather update. Ayon kay Dalida nabasa raw ang kanyang binilad na palay dahil umambon. Nagkasagutan sina Dalida at Guerero kung saan muntik na itong magsuntukan.

Ang weather Equipment ng Weather Philippines ng Aboitiz Company ay nilagay sa Municipal Rooptop sa bayan ng Midsayap. Ngunit sa ginawang Imbestigasyon ng PPalma Presscorps walang ginawang mali si Guerero dahil binasa lamang nito ang weather update mula sa website ng Weather Philippines ng Aboitiz Company na walang ulan o no rain.

Dahil rito,sinabi ni Garry Fuerzas ang Presidente ng PPalma Pressorps at Vice-Chairman ng National Union of the Journalists of the Phils,North Cotabato at Kidapawan City Chapter at Leo Varron,KBP Board of Director na kailangang Magpublic Apology si Dalida dahil lapastangan ang kanyang ginawa sa karapatan ng mga Mamamahayag o Press Freedom.


Hiniling rin ni Fuerzas kay Midsayap Mayor Romeo Araňa na disiplinahin si Dalida.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento