NEWS UPDATES

Kaso ng dengue sa bayan ng Kabacan, tumaas sa nakalipas na limang buwan

(Kabacan, North Cotabato/ July 8, 2014) ---Abot sa 16 na kaso ng dengue ang namonitor ng Rural Health Unit ng Kabacan mula sa iba’t-ibang mga ospital ng bayan nitong buwan ng Mayo.

Ayon kay Disease Surveillance Coordinator Honey Joy Cabellon tumaas ng tatlong beses ang nasabing bilang kung ihahambang sa buwan ng Abril na nakapagtala lamang ng limang kaso.
Aniya karamihan sa mga nagkakasakit ng dengue ay mga kalalakihan na edad 21 hanggang 30-anyos.

Sinabi ni Cabellon na karamihan sa mga nagkakasakit ng dengue ay walang mga warning signs o sintomas dahilan para maigtingin pa ng Sanitary nspector ng RHU Kabacan ang kanilang info drive hinggil sa sakit na dengue.

Batay sa nasabing data, Poblacion pa rin ng Kabacan ang may pinakamaraming kaso ng nagkakasakit ng dengue.

Dahil dito, inatasan na rin ni Municipal Health Officer Dr. Sofronio Edu Jr. ang kanyang mga tauhan na paigtingin pa ang Information and Education campaign lalo na sa mga lugar na malubhang apektado nito, magsagawa ng regular na clean up drives sa mga barangay at ipatupad ang 4S campaign ng DOH.  

Bukod sa nasabing sakit, isa rin ang naiulat na nakagat ng ahas mula sa Brgy. Katidtuan, Kabacan makaraang magpagamot ito sa RHU Kabacan. Rhoderick Beñez


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento