NEWS UPDATES

Karnaper arestado, nakaw nitong motorsiklo, narekober!

(Kabacan, North Cotabato/ July 25, 2014) ---Isang 19-anyos na karnaper ang naaresto sa Sitio Lumayong, Brgy. Kayaga, Kabacan, cotabato alas 3:00 ng madaling araw kanina.

Kinilaa ni Supt. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang suspek na si Kuplin Tanib, single at residente ng brgy. Kayaga ng bayang ito.

Nakuha mula sa posisyon ng suspek ang isang carnap vehicle na isang Kulay asul na Honda XRM na may license plate KQ-9292 na nakarehistro sa pangalan sa pangalan ni Leonardo Cabunoc ng Ofelia Village, Malaybalay city, Bukidnon.

Batay sa inisyal na pagsisiyasat habang nagsasagawa ng routine patrol ang mga element ng kapulisan at BPAT, RPSB at iba pa ay naispatan ng mga ito ang suspek na nagtutulak ng nasabing motorsiklo kaya ng sitahin ng mga otoridad kumaripas ng takbo ang suspek pero nasakote pa rin ito ng mga kapulisan.

Nakitang may mga binago ang suspek sa makina ng motorsiklo na sinasabing modus operandi ng mga ito.

Ang suspek ay nakakulong ngayon sa Kabacan PNP lock up cell. Rhoderick BeƱez


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento