NEWS UPDATES

IP Representative sa konseho ng Kidapawan, umaapela sa Publiko na gamitin ang bagong Kidapawan Hym

(Kidapawan City/ July 10, 2014) ---Iginiit sa Sangguniang Panlungsod ng Kidaapwan ng Indigenous People's Mandatory Representative na gamitin ang bagong bersyon ng Kidapawan Hymn.

Ito ang inihayag ni IP Representative Radin Igwas na dapat ay gamitin na ng mga school administrator at mga establisimyento ang revised version ng Kidapawan Hymn bago magsimula ang iba't ibang mga programa.

Napag-alaman na mismong ang opisyal ang naghain ng panukala na baguhin ang lyrics ng "Lupang Pinagpala" o Kidapawan Hymn pagkatapos nitong mapili bilang IP representative ng lungsod.

Ginawa ni Igwas ang pahayag sa privilege hour makaraang may mga eskwelahan pa umano sa Kidapawan city ang hindi pa inaawit ang bagong Kidapawan Hymn.


Sinabi ng opisyal na ang pag-awit nito ay simbolo ng pagkakaisa ng mga Kidapaweño sa kultura, tradisyon at relihiyosong paniniwala. Rhoderick Beñez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento