NEWS UPDATES

Ex-member ng SCAA, huli sa pagdadala ng baril sa Kabacan, Cotabato

(Kabacan, North Cotabato/ July 28, 2014) ---Kulungan ang bagsak ng isang dating kasapi ng Special Civilian Armed Forces Geographical Unit Active Auxiliary o SCAA makaraang mahulihan ng baril sa Brgy. Osias, Kabacan, Cotabato alas 11:00 ng umaga nitong Sabado.

Kinilala ni P/Supt. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang suspek na si Crisito Neri, 30-anyos, may asawa at residente ng Purok Talisay, Brgy. Malinan, Kidapawan City.

Nakuha mula sa posisyon ng suspek ang isnag unit ng kalibre .38 na revolver pistol at dalawang ammos.

Liban dito nakuha mula kay Neri ang apat na piraso ng 7.62 caliber.

Sa ngayon, inihahanda na ang kasong kakaharapin ng suspek na paglabag sa RA 10591 o illegal possession of firearms. Rhoderick BeƱez


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento