NEWS UPDATES

Dagdag singil sa pamasahe sa Tricycle for Hire sa Kabacan, naka-amba na!

(Kabacan, North Cotabato/ July 25, 2014) ---Naghain kahapon sa Sangguniang Bayan ng Kabacan ng petisyon ang Pangulo ng Kabacan Unity Lines Tricycle Operators and Drivers Association o KULTODA ng dagdag singil sa pamasahe.

Batay sa nasabing kalatas na pirmado ng Presidente ng KULTODA na si Jeffrey Pedtamanan himihiling ang mga ito sa mga kasapi ng konseho sa Kabacan ng dagdag na P1.00 na singil sa pamasahe.

Ang dagdag na singil na P1.00 ay sa lahat ng Puroks sa Poblacion ng Kabacan kung ma-amiyendahan ang Municipal Ordinace No. 2008-008.

Ipinaliwanag din ni Pedtamanan ang mga dahilan ng dagdag singil nila kabilang na dito ang: kasalukuyang mataas standard of living na di na makaya sa kinikita ng mga draybers, mataas na presyo ng gasoline at krudo, mataas din na presyo ng mga spare parts ng motor at ang ilang mga karatig na  munisipyo ay nagtaas na rin ng pamasahe.

Subalit ang naturang petisyon ay hindi pa naisalang sa Sangguniang Bayan kahapon dahil sa maraming lumiban sa session at hindi rin quorum ang sangguniang Bayan members kahapon.


Pansamantalang Presiding Officer kahapon si Hon. Councilor George Manuel habang OIC-Mayor kasi si Vice Myra Dulay Bade habang apat naman ang absent na kasapi ng konseho, na ayon sa report ay nasa Official Business. Rhoderick BeƱez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento