NEWS UPDATES

Bangkay ng babae, natagpuang tadtad ng bala sa Sultan Kudarat

(President Quirino, Sultan Kudarat / July 19, 2014) ---Tadtad ng bala ng matagpuan ang bangkay ng isang babae na nakahandusay at wala ng buhay sa gilid ng daan sa Barangay Tual, President Quirino, Sultan Kudarat pasado alas 5:00 ng madaling araw kanina.

Ayon kay Police Inspector Reynaldo Bobon, deputy chief of police ng President Quirino PNP na isang magsasaka ang nakakita ng nasabing bangkay sa madamong bahagi.

Hindi pa natukoy ang pagkakakilanlan ng biktima sa isinagawang imbestigasyon ng mga pulisya kungsaan ang naturangbabae ay nakasuot ng puting sleeveless at may pink na jacket, naka-leggings ng blue na may itim na dotted.

Nasa edad 38-40-anyos, may taas na 4'9 hanggang 5'0, katamtaman ang haba ng buhok at pangangatawan nito.

Sinabi ni Bobon na apat na tama ng bala ang nakita sa katawan ng biktima, partikular na sa kanyang dibdib, tiyan, paa at kamay.

Naniniwala ang opisyal na sa lugar pinatay ang ang babae dahil sa mga basyo ng bala na nakuha sa lugar.

Nagsasagawa na ngayon ng malalimang imbestigsyon ang mga otoridad sa nasabing insidente.
Sa ngayon nasa Divine Mercy Funeral Hall sa Tacurong City ang bangkay ng biktima. Rhoderick BeƱez


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento