NEWS UPDATES

Bangkay na natagpuang, palutang-lutang sa ilog ng Rio Grande de Mindanao sa bayan ng Pikit, North Cotabato; inilibing na!

(Pikit, North Cotabato/ July 21, 2014) ---Inilibing na kahapon ng mga otoridad ang bangkay ng isang lalaki na nakitang palutang-lutang sa ilog ng Rio Grande de Mindanao partikular sa bisinidad ng Brgy. Rajamuda, Pikit, North Cotabato pasado alas 10:00 ng umaga nitong Sabado.

Sa report ng Pikit PNP ang nasabing bangkay ng lalaki ay nagtamo ng maraming taga at tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan.

Ang nasabing biktima ay posibleng pinaslang sa ibang lugar at itinapon lamang ang bangkay nito sa nasabing ilog.

Tinatayang edad 30-35 anyos ang nasabing biktima kungsaan nakasuot ito ng kulay dilaw na short at kulay gray na damit pang-itaas.

Sa ngayon, patuloy pa ang panawagan ng Pikit PNP sa publiko hinggil sa pagkakakilanlan ng naturang suspek na puntahan lamang ang tanggapan ng PNP. Rhoderick BeƱez


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento