NEWS UPDATES

53-anyos na magsasaka, patay sa nangyaring pamamaril sa Alamada, North Cotabato

(Alamada, North Cotabato/ July 21, 2014) ---Patay ang isang 53-anyos na magsasaka makaraang pagbabarilin ng di pa nakilalang suspek habang pauwi na ito sa kanilang bahay sa Brgy. Upper Dado Proper, Alamada, North Cotabato alas 6:00 kagabi.

Sa ulat sa DXVL News ni Cotabato Police Provincial Office Spokesperson PSI Jojet Nicolas na kinilala ang biktima na si Kadsak Malidas, may asawa at magsasaka residente ng Sitio Palipayen, Brgy. Upper Dado ng nasabing bayan.

Batay sa inisyal na pagsisiyasat na naglalakad pauwi ang biktima ng bigla na lamang nilapitan ng di pa nakilalang suspek at walang pasabing pinagbabaril gamit ang kalibre .45 na pistol.

Sa ulo tinamaan ng biktima na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Inaalam pa ngayon ng Alamada PNP kung anu ang motibo sa nasabing pamamaril. Rhoderick BeƱez


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento