NEWS UPDATES

20 mga estudyante, sinapian ng masamang Espiritu sa Cotabato City

(Cotabato/ July 8, 2014) ---Binulabog ng sigawan at iyakan ang Notre Dame Village High School matapos sinapian diumano ang 20 mga estudyante dakong alas 9:00 ng umaga kahapon.

Ayon kay assistant school principal Dr. Samuel Bayeta ng naturang paaralan nangyari ang insedente matapos ang flag ceremony ng mga estudyante.

Nabatid na karamihan sa mga estudyante na umano’y inatake ay nasa third year level, ang iba naman ay nasa first year level, grade 9 at senior high school.

Maalalang noong nakaraang miyerkules, July 2, habang nagsasagawa ng simultaneous disaster preparedness drill ang mga estudyante ng NDVNHS ay bigla na lamang nakaramdam ng pagkahilo, ang iba hinimatay,at ang iba naman ay naging bayolente at sumisigaw.

Kahapon, pagdating ng mga nurse mula sa City Health Office ay nakabulagta na ang mga nasabing estudyante at nag iiyakan na.

Sa ngayon dinala na ang 13 mga estudyante sa Cotabato Regional Medical Center.


Samantala suspendidio naman ng tatlong araw ang klase ng nassabing skwelahan dahil sa naturang insedente. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento