NEWS UPDATES

14 na mga kabahayan, pinaputukan ng mga armadong grupo sa muling pagsiklab ng kaguluhan sa Brgy. Manubuan, Matalam, Cotabato

(Matalam, North Cotabato/ July 11, 2014) ---Muli na namang nagkasagupa ang pangkat ng armadong grupo na Moro Islamic Liberation Front at Moro National Liberation Front o MNLF sa brgy. Manubuan, Matalam, North Cotabato alas 2:30 ng madaling araw kahapon.

Sa report ni PCI Elias Diosma Colonia, hepe ng Matalam PNP abot sa 14 na mg kabahayan ang diumano’y pinaputukan ng mga armadong MILF sa nasabing brgy. kasama na ang bahay ni kagawad Daud Tigkanan.

Abot pa sa 50 minuto ang palitan ng putok sa magkabilang panig kungsaan pinangunahan ni kumander Manu Sandab ang grupo ng MNLF.

Agad namang rumesponde ang mga kapulisan sa bahagi ng Brgy. Manubuan at west Patadon at tiniyak na ligtas ang mga pangunahing lansangan partikular na ang National Highway kahapon ng umaga.

Sa panayam kay 602nd Brigade, PA Spokesperson Captain Antonio Bulao sinabi nito na nag-ugat ang kaguluhan matapos na manguha ng bunga ng rambutan ang asawa ni Pang-goy sa erya na wala naman itong Farm ng Rambutan bagay na-hinold ng grupo ng MNLF si Panggoy at itinawag kay Kapitan.

Subalit di nakapagpigil ang grupo ni Panggoy na mula sa 108th Based Command ng MILF kaya kanilang hinarass ang mga magsasaka sa nasabing barangay at pinaputukan umano ang ilang mga kabahayan.

Patuloy naman ang ginagawang close monitoring ng mga kapulisan at mga kasundaluhan sa nasabing girian kungsaan tiniyak ng militar na kontrolado na nila ang sitwasyon.


Sa ulat ni SPO1 Froilan Gravidez ng Matalam PNP tiniyak nitong passable naman ang National Highway. Rhoderick BeƱez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento