NEWS UPDATES

(Update) 3 nagpositibo sa Amoeba sa mga tinamaan ng diarrhea sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ June 6, 2014) ---Tatlo ang nagpositibo sa amoeba mula sa apat na mga indibidual sa ginawang pagsusuri ng Rural Health Unit ng Kabacan makaraang isinugod sa Kabacan Polymedic hospital apat katao karamihan mga bata matapos makaramdam ng pananakit ng tiyan at pagsusuka buhat sa brgy. Pisan, Kabacan, Cotabato.

Ito ang kinumpirma ngayong umaga sa DXVL News ni Disease Surviellance coordinator Honey Joy Cabellon.

Posibleng naka-inum mula sa tubig puso ang mga biktima ng mag amoeba kaya sumakit ang kanilang mga tiyan.

Mamayang hapon ay tutunguhin nan g Sanitary Inspector ng RHUKabacan ang lugar para siyasatin ang source ng kanilang tubig pinag-imnan.


Samantala ang mga isinugod naman sa Ploymedic hospital ay sina Maludtem Palulod, 23 anyos, Daniel Palolod 2 taong gulang, Eboy Lalapadsin, 2 taong gulang na ngayon ay patuloy na nilalapatan ng lunas at isang 17-anyos na dinala naman sa USM Hospital. Rhoderick BeƱez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento