NEWS UPDATES

Suspek na pumapatay sa habal-habal Driver sa Kidapawan City, patuloy na tinutugis

(Kidapawan City/ June 16, 2014) ---Blanko pa ang Kidapawan City PNP kung sinu ang responsible sa pagbaril patay sa isang 32-anyos na habal-habanl driver sa bahagi ng Jose Abad Santos St., Kidapawan City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Supt. Leo Ajero, City Police Director ang biktima na si Mohammad Sanday Batingkay, may asawa at residente ng Bangsamoro Village ng nasabing lugar.

Nagtamo ng iba’t-ibang tama ng bala ang biktima sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan na naging dahilan ng agara nitong kamatayan.

Mabilis namang tumkas ang mga suspek lulan ng kulay itim na motorsiklo makaraang makitang bulagta ang biktima.


Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang ginagawang hot pursuit operation ng Kidapawan city PNP. Rhoderick BeƱez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento