NEWS UPDATES

Personal Grudge nakikitang anggulo sa pagbaril patay sa 25-anyos na Mister sa Pikit, Cotabato

(Pikit, North Cotabato/ June 11, 2014) ---Patay ang 25-anyos na mister makaraang barilin ng di pa nakilalang suspek sa bisinidad ng brgy. Gli-gli, Pikit, Cotabato alas 6:20 kahapon ng umaga.

Kinilala ni PInsp. Mautin Pangandigan ang biktima na si Roland Rama Limos residente ng brgy. Ladtingan ng nasabing bayan.

Sinasabing sakay ang biktima sa kanyang motorsiklo buhat sa Poblacion ng Pikit pauwi sa kanilang bahay at pagdating sa nasabing lugar ay bigla na lamang dinikitan ng dalawang kalalakihan lulan ng motorsiklo at binaril ang biktima sa likod.

Agad namang dinala sa Cruzado Medical Clinic and Hospital ang biktima pero inilipat din sa isang ospital sa Midsayap kungsaan doon na binawian ng buhay habang ginagamot.

Tumakas naman ang suspek sakay sa walang plakang motorsiklo sa di malamang direksiyon.

Narekober sa crime scene ang bala ng kalibre .45 na pistol na ginamit sa nasabing pamamaril.

Personal grudge ang isa sa mga sinisilip na anggulo ng mga otoridad sa pagpaslang sa biktima.

Sa ngayon nagpapatuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng Pikit PNP. Rhoderick BeƱez


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento